^

Bansa

ASEAN e-Commerce Interconnect Forum gaganapin sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ganapin sa Maynila sa darating na July 10-11 ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) e-Commerce Interconnect Forum sa Bayleaf Intramuros Hotel.

Tatalakayin sa pulong ang programa ng International Post Corporation’s e-Commerce Interconnect Programme (eCIP) na nag­lalayong ibahagi ang fully tracked, end-to-end global seamless postal delivery network for cross-border-e-Commerce sa lahat ng postal operators sa buong mundo.

Ayon kay Postmaster General Josie dela Cruz, para sa mga postal operators, malaki ang pakinabang ng e-commerce sa negosyo ng serbisyo postal at ang paghahanda ng bawat kasapi ng ASEAN para sa 2015 economic integration.

Ang Forum ay inorganisa ng International Post Corporation, isang Brussels-based group ng mga cooperating postal companies sa buong mundo. 

Sa kasalukuyan, 31 mga postal operators na ang sumali sa nasabing programa tulad ng Australia, Europe, United States and New Zealand.

Tinatayang nasa 80% ng annual revenue ng ating mga international counterpart ay mula sa e-commerce, patunay na malaki ang potensyal na makapasok ang post office sa nasabing negosyo. 

Tinukoy din ang ASEAN region bilang pangunahing exporting market sa trade at services, at ang postal ser­vice ang magiging major pla­yer sa e-commerce business.

Malaki pa rin ang magi­ging papel ng parcel services ng post office sa negosyo ng e-commerce sa kadahilanang parami ng parami ang mga taong bumibili ng paninda via online. 

 

ANG FORUM

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION

BAYLEAF INTRAMUROS HOTEL

COMMERCE

COMMERCE INTERCONNECT FORUM

COMMERCE INTERCONNECT PROGRAMME

INTERNATIONAL POST CORPORATION

POSTAL

POSTMASTER GENERAL JOSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with