^

Bansa

Cagsawa Ruins bilang world heritage isinusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masugid ngayong isinusulong ng Albay ang kampanya nito para ideklara ng UNESCO ang Cagsawa Ruins dito bilang isang World Heritage Site, isang titulo na magpapatibay lalo sa ‘global identity’ nito at sa layunin nitong maging ‘Tower of Pisa’ ng Asia.

Tampok na ‘landmark’ ng Cagsawa ang tuktok ng kampanaryo ng isang malaking simbahang may arkitekturang baroque na nabaon sa lupa, kasama ang buong pamayanang kinatatayuan nito nang sumabog ang Ma­yon Volcano noong 1814, na pumatay din ng mahigit 1,000 mamamayan. Aktibo pa rin ang Mayon, ang ‘most perfect cone’ na bulkan sa mundo, na karatig lamang nito sa Barangay Busay sa bayan ng Daraga.

Ayon kayAlbay Gov. Joey Salceda, na kararating lamang mula sa Norway at Italy, ang Cagsawa ay maituturing na Pisa ng Asia. Ang ‘Leaning Tower of Pisa’ ay kampanaryong nakahilig sa isang tabi, ng isang katedral sa lungsod ng Pisa sa Italy. Kilala ito sa buong mundo at dinadalaw ng maraming turista sa buong taon.

“Ang saloobin at pakiramdam kong ang Cagsawa ay gaya ng Leaning Tower of Pisa ay lalong tumibay matapos kong bisitahin ito. Bagama’t ang Pisa ay walang Mayon, mayaman ito sa kasaysayan at kalinangan na ngayon ay ‘restored pheno­menon’ na lamang,” pahayag ni Salceda.

Binigyang diin niya na ang opisyal na pagdeklara ng UNESCO sa Cagsawa Ruins bilang World Heritage Site, ay magpapataas sa pandaigdigang antas nito, kasama na rin ang Albay at iba pang mga yamang pangturismo nito, lalo na at bibigyan nila ito na malakas na suportang ‘promotional sales pitch.’

Inihain ng Albay noong 2013 ang dokumentadong aplikasyon sa UNESCO para kilalaning World Heritage Site ang Cagsawa. Kasalukuyang kinikilala ang Albay bilang pinakamainit at pinakamabilis na sumusulong na tourist destination.

ALBAY

BARANGAY BUSAY

CAGSAWA

CAGSAWA RUINS

JOEY SALCEDA

LEANING TOWER OF PISA

MAYON

TOWER OF PISA

WORLD HERITAGE SITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with