^

Bansa

Gabriela binuweltahan ang PRC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuweltahan ng grupong Gabriela ang Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa pagbabalik ng medical license ni Hayden Kho.

Ayon kay Gabriela Womens party list Rep. Luzviminda Ilagan, dahil sa bigat ng kasalanan ni Kho ay inaasahan nila na habang buhay na ang ban ng pag-practice nito ng kanyang propesyon.

Giit pa ni Ilagan, masyadong madaling makalimot ang PRC at mabilis magpatawad sa nagkasala subalit papaano na umano ang naging biktima ni Kho.

Lumalabas lamang umano na pinapaboran sa bansa ang maiimpluwensya at kadalasang naisasantabi ang hinaing ng mga naging biktima nito.

Paliwanag pa ng mambabatas, nagpapakita lamang na ang hustisya sa bansa ay hindi nakapiring kundi nakapanig sa mga maiimpluwensya lamang.

Nangangamba naman si Joms Salvador, Secretary General ng Gabriela Philippines dahil sa ang kaso ni Kho ay magbigay pa ng dangerous example para sa iba na gumawa pa ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.

Giit ni Salvador, ang desisyon ng PRC ay magbibigay ng hindi kanais-nais na ehemplo at magbibigay ng katwiran sa mga kalalakihan na pwedeng abusuhin ang mga kababaihan.

AYON

GABRIELA PHILIPPINES

GABRIELA WOMENS

GIIT

HAYDEN KHO

JOMS SALVADOR

KHO

LUZVIMINDA ILAGAN

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SECRETARY GENERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with