^

Bansa

MMDA todo-handa sa INC Centennial

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  para   sa isasagawang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na  Hulyo 27.

Nabatid na ang MMDA ang itinalagang  ahensiya na siyang mamuno sa binu­ong ‘Task Force Sentenaryo’ ng Malacañang para pamahalaan ang kabuuang panga­ngailangang kaugnay sa pagdiriwang ng makasaysayang okasyon ng INC.

Mula ito sa  pagsasayos ng daloy ng trapiko hanggang sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan ga­yundin ang kaligtasan ng mga lalahok sa okasyon sa pama­magitan na rin ng pakikipag-ugnayan sa public at private.

Binuo ang ‘Task Force Sentenaryo’ sa bisa na ipinalabas na Memorandum Circular No. 66  ng Office of the President sa pamamagitan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Ang kasapi  ng Task Force ay  sina Defense Secretary Voltaire Gazmin; DILG Sec. Manuel Roxas II; DPWH Sec. Rogelio Singson; Health Secretary Enrique Ona; Secretary Sonny Coloma ng Presidential Communications Operations Office; Gen. Emmanuel Bautista, ng Armed Forces Chief of Staff; Director General Alan Purisima, ng Philippine National Police; Winston Ginez ng  LTFRB; Juan Sta. Ana ng Philippine Ports Authority; Jose Angel Honrado, ng Manila International Airport Authority; Edmundo Reyes, executive director ng Toll Regulatory Board; at kinatawan mula sa INC.

Nabatid kay MMDA Chairman Francis  Tolentino,  nagsimula nang magpulong ang Task Force upang masi­gurong magiging maayos ang takbo ng selebrasyon na inaasahang lalahukan ng milyun-milyong kaanib sa INC mula sa iba’t ibang panig ng mundo  

Ang  selebrasyon  ay isa­sagawa sa bagong tayong Philippine Arena , ang tinaguriang World’s Biggest Arena sa Bocaue, Bulacan.

Inaasahang bubuo sila ng malaking puwersa na tututok sa  daloy ng trapiko, seguridad at gayundin sa health matters.

Dagdag ni Tolentino, ilalatag niya sa mga darating na araw ang mabubuo nilang mga paghahanda para sa naturang makasaysayang selebrasyon ng  INC.

 

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF

BIGGEST ARENA

CHAIRMAN FRANCIS

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

EDMUNDO REYES

TASK FORCE

TASK FORCE SENTENARYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with