Warrant of arrest pa vs. Enrile inilabas
MANILA, Philippines — Matapos sumuko nitong Biyernes, inilabas ng Sandiganbayan ngayong Lunes ang arrest warrant laban kay Senador Juan Ponce Enrile at sa iba pa para kasong graft kaugnay ng pork barrel scam.
Sinabi ng abogadong si Dennis Pulma ng third division ng anti-graft court na 11 sa 37 akusado ay sumuko at nakapagpiyansa na.
Nahaharap sa 15 counts ng graft si Enrile na nakakulong ngayon sa Philippine National Police hospital sa Camp Crame, Quezon City para sa kasong pandarambong na walang piyansa.
Kaugnay na balita: Enrile sumuko sa Camp Crame
Bukod kay Enrile, sakop din ng kautusan si Jessica “Gigi” Reyes at ang itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Nakakulong si Reyes sa may Sandiganbayan matapos sumuko nitong Biyernes, habang naka-piit si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City Laguna.
Sinabi ng Office of the Ombudsman na kumubra si Enrile ng P172 milyon matapos ilagak ang kanyang Priority Development Assitance Fund sa mga pekeng non-government organization ni Napoles.
Kaugnay na balita: Walang VIP treatment kay Enrile - Palasyo
- Latest





















