^

Bansa

‘Florita’ lumakas pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas pa ang bagyong Florita na nakapasok na sa Philippine area of responsibility.

Ayon sa Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astromical Services Administration (PAGASA), paiigtingin ni Florita ang hanging Habagat bagama’t hindi ito direktang makakaapekto at magla-landfall sa bansa.

Wala namang inilabas na storm signal sa anumang parte ng bansa dahil sa bagyo.

Si Florita ay namataan sa layong 990 kilometro silangan ng Tuguegarao City. Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 210 kilometro kada oras. Kumikilos ito pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 24 km kada oras.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Bicol region, Mimaropa, Caraga, Northern Mindanao at ang Visayas.

Maulap na papawirin naman at may paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.

Mapanganib ang paglalayag sa silangang baybayin ng Luzon at Visayas.

Martes ng umaga inaasa­hang lalabas ng PAR ang bagyo.

 

FLORITA

GEOPHYSICAL AND ASTROMICAL SERVICES ADMINISTRATION

LUZON

METRO MANILA

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE ATMOS

SI FLORITA

TUGUEGARAO CITY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with