^

Bansa

Walang VIP treatment kay Enrile - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na binibigyan ng special treatment ng PNP si Senate Mino­rity Leader Juan Ponce Enrile matapos sumuko kaugnay ng plunder case nito.

Ito’y matapos muling makalabas ng piitan si Sen. Enrile para sumailalim sa post-opera­tive eye check-up sa Makati kahapon ng umaga.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., hindi VIP treatment ang natatanggap ni Sen. Enrile nang sumuko ito at ilagay sa PNP hospital.

Ayon kay Coloma, isinaalang-alang lamang ng estado ang kalusugan ni Enrile lalo ang kanyang kapansanan sa mata kaya pinayagan itong magpa-check up noong Sabado.

“Walang kakaibang pagtrato kay Senador Juan Ponce Enrile. Isinasaalang-alang ng estado ang kanyang kalusugan, partikular na ang kapansanan (niya) sa mata, na nanga­ngailangan ng kagyat na pagsuri ng espesyalistang manggagamot at ang kanyang edad na 90-taong gulang,” paliwanag ni Coloma.

Aniya, tumatalima sa mga kautusan ng Sandiganbayan ang PNP bilang pagtupad sa sa kanilang tungkulin hinggil sa kanyang pagkadetine habang dinidinig ang mga kaso laban sa senador.

 

ANIYA

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

ENRILE

HERMINIO COLOMA JR.

LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SENATE MINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with