^

Bansa

5 Malaysian ‘terrorists’ nagtatago sa Mindanao

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang militanteng Malaysian na isinasangkot sa teroristang grupo ang pinaniniwalaang nakapasok at nagtatago ngayon sa Pilipinas.

Sa lumabas na ulat ng Borneo Post online, sinabi ng Malaysian Police na ang limang umano’y terorista ay nagtatago umano sa Mindanao. Sila ay isinasangkot sa terrorist group na Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) at Abu Sayaff Group (ASG) na nagkukuta at naghahasik ng karahasan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Kinilala ang limang mi­litante na sina Dr. Mahmud Ahmad, 36; Mohd Najib Husen alias Abraham, 36, UM Photostat at stationery shop owner; Muhammad Joraimee Awang Raimee, 39, alias Abu Nur; Mohd Amin Baco, 31, at Jeknal Adil, 30. 

Si Dr. Ahmad ng Islam Islamic Studies Faculty at lecturer ng Universiti Malaya (UM) na kilala rin sa pangalang Abu Hanzalah, mula Taman Selayang Baru, Batu Caves ay tinukoy ng Malaysian Police na isa sa mga sangkot sa militant activities sa Malaysia kasama ang apat na nabanggit.

Ang lima ay sinasabing responsable sa pagre-recruit at pagpapadala ng apat na Malaysians patungong Syria noong Marso 5, 2014 kabilang na ang umano’y kauna-unahang Malaysian suicide bomber na si Ahmad Tarmimi Maliki.

Sina Baco at Adil na umano’y miyembro ng Sabah Darul Islam Group ay sinanay at sumanib sa Abu Sayyaf at ngayon ay kasama na umano ng mga bandidong ASG sa Min­danao.

 

ABU HANZALAH

ABU NUR

ABU SAYAFF GROUP

ABU SAYYAF

AHMAD TARMIMI MALIKI

BATU CAVES

BORNEO POST

DR. AHMAD

DR. MAHMUD AHMAD

MALAYSIAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with