^

Bansa

Rookie cop ‘nag-suicide’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang anggulong nag-suicide o aksidente ang pagkakabaril ng  bagitong pulis sa kaniyang sarili matapos itong ma­tagpuang may tama ng bala sa ulo sa loob ng inuupahang kuwarto sa Barangay Poblacion, Buyagan, La Trinidad, Benguet kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Cordillera PNP spokesman P/Supt. Vicente Limmong ang biktima na si PO1 Joshua Bomal-o, 26, tubong Sagada, Mt. Province at nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng 2nd Maneuver Company.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nagulat ang ka-live-in ng biktima na si PO1 Vandamme Marian Banayon, 23, nakatalaga sa Ifugao Provincial Public Safety ng marinig ang putok ng baril mula sa kanilang silid.

Nang takbuhin ang inuupahang kuwarto ay mabungaran ang nakahandusay na si Bomal-o na may tama ng bala sa ulo.

Sa pahayag ni Banayon sa mga imbestigador, sinabi nito na abala siya sa  pakikipag-usap sa cellphone ng mangyari ang insidente.

Humingi naman ng tulong si Banayon sa kanilang mga kapitbahay para dalhin sa Benguet Hospital ang biktima bago nilipat sa Saint Louis Hospital kung saan namatay ito nakalipas ng ilang oras.

vuukle comment

BANAYON

BARANGAY POBLACION

BENGUET HOSPITAL

IFUGAO PROVINCIAL PUBLIC SAFETY

JOSHUA BOMAL

LA TRINIDAD

MANEUVER COMPANY

MT. PROVINCE

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SAINT LOUIS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with