^

Bansa

Bong, Jinggoy pinalilipat ng kulungan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaisa kahapon ang mga detainees ng PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos na magsumite ng manifesto upang alisin na sa nasabing detention facility at ilipat na ng kulungan sina Sen. Ramon “Bong” Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.

Sa inilabas na sulat kamay na manifesto na nilagdaan ng 58 bilanggo sa PNP Custodial Center, sinabi ng mga ito na hindi nila matanggap na masisibak na si Supt. Mario Malana dahilan sa dalawang Senador.

Ayon sa mga ito, isang dekada na ang pamamahala sa selda ni Malana at naging maayos naman ang pamamalakad nito.

“Hindi nakalulutas ng problema ang pagpapalit ng wardern dahilan ang problema ay ang dalawang Senador  na nakakulong dito.  Ang tunay na solusyon ay ang paglilipat sa dalawang Senador sa kulungang akma sa kanila”, ayon pa sa manifesto ng 58 detainees.

 Bukod dito ay masyado umanong maingay dahilan sa sobrang dami ng bisita nina Jinggoy at Bong at nabubulabog sila.

 

AYON

BUKOD

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

MALANA

MARIO MALANA

NAGKAISA

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with