^

Bansa

Ombudsman iimbestigahan ang DAP transactions

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magbubuo ng panel na kinabibilangan ng mga imbestigador ang Office of the Ombudsman upang imbestigahan ang mga transaksyon pinaggamitan ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ngayong Miyerkules na sisiyasatin nila kung mayroon bang ginawang krimen ang mga sangkot na opisyal ng gobyerno sa isyu ng DAP.

"In light of the Supreme Court's Decision on the DAP case, we are initiating an investigation into the matter," pahayag ni Morales.

Kaugnay na balita: PNoy maaaring mapatalsik, pero kaso 'di uubra – Miriam

Nakasaad sa Republic Act 6770 o ang Ombudsman Act of 1989 na maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman kahit wala pang naghahain ng reklamo.

Inihayag ng Korte Suprema kahapon na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng DAP.

Marami ang nagsasabing dapat mapatalsik sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino II dahil dito at nais ng ilang grupo na managot din si Budget secretary Butch Abad.

Kaugnay na balita:  Ilang probisyon ng DAP, unconstitutional – SC
 

BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KAUGNAY

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN ACT

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with