^

Bansa

K-12 problema sa mga guro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbubunga umano ng problema sa mga guro ang ipinatutupad na programang K to 12.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pa­ngulo ng Catholic Bi­shops’ Coference of the Philippines (CBCP) na dahil sa K to 12 program ay inaasahan nang ang mga higher education institutions (HEIs), colleges at universities ay mawawalan na ng freshmen sa taong 2016. At kung mawawalan ng mga estudyante ay posibleng mawalan na rin ng trabaho mga guro.

Gayunman, hindi na aniya dapat pang magsisihan dahil tinanggap na ng bansa ang K-12 at ang dapat na lamang gawin ay ang umagapay sa mga hamon na dulot nito.

Ayon kay Villegas, bagamat may opsyon naman ng redundancy at retrenchment provisions ang labor law, tutol pa rin ang CBCP na basta na lamang matanggal sa trabaho ang mga naturang guro.

Hinikayat ni Villegas ang mga trustees ng mga Catholic school corporations at school officials na maging ‘creative’ at magbigay ng mga oportunidad para sa re-tooling at re-training ng mga ins­tructors at professors sa tertiary education upang magawa ng mga ito na hawakan ang mga subjects sa academic track ng senior high school.

Aminado naman si Villegas na maraming guro ang pumapasok lamang ng trabaho sa Catholic schools habang naghihintay ng mas magandang oportunidad sa mga higher-paying institutions.

Umapela naman siya sa mga Catholic school teachers, instructors at mga professors, gayundin sa mga graduates ng teacher education courses na hindi lamang maging committed sa serbisyo kundi isapuso at gawing pangunahing motibo sa pag-aaplay sa Catholic schools ang command ng Huling Hapunan na magmahal ng walang anumang kondisyon upang magawa nating hugasan ang paa ng isa’t isa.

 

vuukle comment

AMINADO

AYON

CATHOLIC BI

COFERENCE OF THE PHILIPPINES

GAYUNMAN

HULING HAPUNAN

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with