^

Bansa

LPA nagbabantang maging bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang nagbabantang maging ganap na bagyo at ngayo’y binabantayan ng Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang LPA ay huling namataan sa layong 700 kilometro silangan ng hilagang Mindanao at nakapaloob din ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na kasalukuyang nakakaapekto sa Mindanao.

Sinabi ni Samuel Duran, Pagasa forecaster, sa susunod na 72 oras ay maaaring ganap na maging bagyo ang naturang sama ng panahon.

Bunga nito, patuloy na palalakasin ng LPA ang habagat bukod sa epektong dulot nito sa umiiral na ITCZ kayat inaasahan na ang patuloy na pagkakaroon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan laluna sa Visayas at Mindanao gayundin sa si­langang bahagi ng Luzon.

Bagamat may sama ng panahon sa bansa, maalinsangan pa rin ang panahon sa Metro Manila dulot naman ng paghina dito ng habagat.

BAGAMAT

BUNGA

ISANG

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SAMUEL DURAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with