Lani Mercado umapela sa pagbisita kay Bong
MANILA, Philippines - Umapela si Cavite 2nd district Congresswoman Lani Mercado sa Sandiganbayan at sa Philippine National Police (PNP) na payagan ang kanilang pamilya na bumisita ng madalas kay Sen. Bong Revilla sa piitan matapos itong sumuko kahapon dahil sa kasong plunder kaugnay pa rin sa pork barrel scam.
Ayon kay Mercado, hiniling nito na kung maaari ay araw-araw nilang madalaw ang asawang Senador kasabay na rin ng panalangin na sana ay maging maluwag ang mga awtoridad sa kanilang pamilya.
Pinagbilinan na rin umano si Mercado ng senador na ipagpatuloy ang trabaho nito bilang kongresista at ipakita sa taumbayan na hindi ito bumibitiw sa kanyang responsibilidad bilang public servant.
Aminado si Mercado na hindi matanggap ng dalawa nilang anak na sina Ram at Loudette ang kasong kinakaharap ng kanilang ama.
Nag-aalala umano ito dahil si Ram ay bigla na lamang umiiyak sa kanya dahil hindi sila nakakapag-usap ng masinsinan ng ama samantalang si Loudette ay hindi makapag-focus sa kanyang entrance exam sa kolehiyo kung saan nais nitong maÂging isang doktor.
Pinapayuhan na lamang anya niya ang kanilang mga anak na ituon ang atensÂyon sa kanilang mga pangarap sa buhay at huwag hayaÂan na maging balakid ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
- Latest