^

Bansa

Mosyon nina Enrile at Estrada submitted for resolution na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Resolusyon na lamang ang hinihintay ng Sandiganbayan sa mga inihaing mosyon nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng mga kasong plunder at graft sa multi-bilyong pork barrel scam.

Kahapon, dininig ng Third Division ang motion to dismiss at motion for judicial determination of probable cause ni Enrile.

Sabi ng mga abogado ng senador na sina Eleazar Reyes at Estelito Mendoza, masyado anyang makapal ang document evidence ng prosekusyon na umaabot sa 9,500 pahina kaya imposibleng madesisyunan agad kung may probable cause ang kaso ni Enrile.

Tinanggap naman ito ng prosekusyon at naghain na lamang ang mga ito ng omnibus reply at binanggit na may consolidated motion na sila.

Dahil dito, nagdesis­yon ang Third Division na submitted for resolution na ang mga mosyon ni Enrile, gayundin ang mosyon ng iba pang akusado.

Samantala, tumagal lamang ng 10 minuto ang pagdinig sa motion for judicial determination of probable cause ni Estrada at iba pang akusado sa ilalim ng Fifth Division.

Hindi naman na pina­yagan ni Justice Roland Jurado na magkaroon ng oral arguments.

Sa hinihintay na reso­lusyon, kung lumabas na may probable cause ang mga kaso laban kina Enrile at Estrada ay magpapalabas na rin ng arrest warrant laban sa kanila.

Nauna nang lumabas ang warrant of arrest laban kay Sen. Bong Revilla na sumuko naman na sa Sandiganbayan.

vuukle comment

BONG REVILLA

ELEAZAR REYES

ENRILE

ESTELITO MENDOZA

FIFTH DIVISION

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE ROLAND JURADO

THIRD DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with