Beauty clinics sa QC pinasisiyasat
MANILA, Philippines - Hindi porke mga artista sa pelikula at telebisyon at iba pang mga bigating personalidad ang kliyente ng mga beauty clinic sa Quezon City ay nangangahulugan na ligtas ang mga ito para sa kapakanan ng publiko.
Ito ang naging babala ni Quezon City councilor Karl Castelo sa mga taga-lungsod habang inihahanda ng opisyal ang kanyang resolusyon upang bantayan ang mga beauty clinic na nagsasagawa ng surgery o operasyon sa mga pasyente nito.
“I have been receiving reports that these clinics are performing surgery on customers even though they lack facilities for such delicate procedures,†ani Castelo.
Ayon kay Castelo, nararapat na ang mga nabanggit na establisimyento ay magkaroon ng mga standard operating rooms tulad ng matatagpuan sa mga pagamutan na kinakailangan sa pagsasagawa ng operasyon upang matugunan ang kaligtasan ng mga pasyente.
“Disgruntled patients of these clinics complained they were operated on in ordinary rooms that lack needed equipments for surgical operations,†paliwanag ni Castelo.
Bukod sa mga kakulangan sa pasilidad, pinuna rin ni Castelo ang hindi pagpapatupad ng kalinisan sa mga naturang clinic na nagiging banta sa kalusugan ng mga parokyano nito base na rin sa mga reklamo na natanggap ng opisyal.
Sa oras na maaprubahan, pakikilusin ng panukalang batas ni Castelo ang mga kawani ng Quezon City Health Department at Business Permit Division upang magkaroon ng regular na pagsisiyasat sa mga nabanggit na clinic upang matanto kung ang mga ito ay ligtas para sa publiko.
- Latest