^

Bansa

NATO pinagsabihan ang China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumali na rin ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa mga grupo at bansang nananawagan sa China na maghinay-hinay sa mga ginagawa nito sa South China Sea.

Ayon kay NATO secretary general Anders Fogh Rasmussen, dapat ay maging isang responsable bansa ang China na itinuturing na pinakamapangyarihan ngayon sa buong South East Asia.

Sinabi ni Rasmussen na may responsibilidad na dapat gampanan ang China bilang permanent member ng United Nations Security Council. Kabilang sa mga responsibilidad na ito ay ang pagkilala sa international law at mga patakaran na ipinapatupad gaya ng sa South China Sea, kung saan maraming bahagi nito ang pinag-aagawan ng magkakalapit na bansa kabilang ang Pilipinas.

"I urge China to live up to those commitments also in dealing with China's neighbours when it comes to certain border disputes," Rusmussen said in a monthly press conference in Brussels late May.

Bagaman hindi direktang kontektado ang NATO sa Asya, nag-aalala naman aniya ang 28 miyembro nito sa tumitinding girian sa East Asia dahil na rin sa pagmamatigas ng China sa pananatili sa mga pinag-aagawang isla.

Nauna nang nagsabi ang Amerika at Germany na nag-aalala sila sa pagiging agresibo ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa South at East China seas.

Suportado rin ng Amerika at Germany ang Pilipinas sa hakbang nito na daanin sa international arbitration ang problema nito sa China.

vuukle comment

AMERIKA

ANDERS FOGH RASMUSSEN

CHINA

EAST ASIA

EAST CHINA

NORTH ATLANTIC TREATY ORGANIZATION

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

SOUTH EAST ASIA

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with