^

Bansa

Mahigit 200 House bills naipasa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 200 panukalang batas ang napagtibay at nasa 100 resolusyon naman ang nai-adopt ng Kamara sa pagtatapos ng first regular session sa ilalim ng 16th Congress.

Ito ang ipinagmalaki ni House Speaker Feliciano Belmonte sa kanyang talumpati kasabay ng pasasalamat sa lahat ng kongresista lalo na sa mga deputy speakers, Majority leader Neptali Gonzales at Minority leader Ronaldo Zamora.

Ibinilin din ni Belmonte sa kanyang sine die adjournment speech na bigyang prayoridad ang ilang panukalang batas kasama na ang Bangsamoro Basic Law at Anti-Political Dynasty bill sa susunod na regular session.

Hindi naman nito na­banggit ang isinusulong na Charter change o Chacha at ang Freedom of Information Bill at hindi rin nagbigay ng anumang pahayag kaugnay sa pork barrel scandal na kinasasangkutan ng ilang kongresista.

Kasabay nito, pinarangalan din si Belmonte ng Kamara sa pamamagitan ng isang resolusyon dahil sa mahusay nitong pamumuno.

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na naging challenging ang first regular session dahil araw-araw silang gumigising sa mga balitang nagde-demonize sa Kongreso subalit nalampasan nila ito dahil sa pamumuno ni Belmonte.

Nagpasalamat naman si Zamora kay Belmonte at Gonzales dahil sa trinato ng mga ito ang oposisyon sa Kamara na may respeto.

 

ANTI-POLITICAL DYNASTY

BANGSAMORO BASIC LAW

BELMONTE

FREEDOM OF INFORMATION BILL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

MARIKINA REP

MIRO QUIMBO

NEPTALI GONZALES

RONALDO ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with