Graphic health warnings sa yosi lusot na
MANILA, Philippines - Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 27, o Picture-Based Health Warning Act na nag-aatas sa mga kumpanya ng sigarilyo ng maglagay ng mga picture-based warnings sa mga pakete ng sigarilyo.
Ang panukala ay inaasaÂhang maaprubahan sa bicaÂmeral conference committee ng Kongreso bago magbakasyon o “sine die adjournment†ngayon.
Ayon kay Sen. Pia Cayetano, pangunahing nagsulong ng panukala, layunin ng graphic health warnings na ilalagay sa harapang bahagi ng mga pakete ng sigarilyo na mabigyan ng babala ang mga smokers kaugnay sa sakit na maari nilang makuha sa pagyo-yosi.
Naniniwala naman si Senate President Franklin Drilon na mababawasan ang tinataÂyang P188-bilyon na pondo na inilalaan sa taunang “health care†ng gobyerno sa sandaling mabawasan ang mga naninigarilyo.
Ang Department of Health (DOH) ang gagawa ng “templatesâ€, guidelines sa pagpi-printing, instructions, specific pictures, design, o impormasyon ng mga graphic warnings.
Aabot sa 50 porsiyento ng unahang bahagi ng kaha ng sigarilyo ang ilalaan para sa graphic health warning.
- Latest