^

Bansa

Enrile, Jinggoy, Bong sa Fort Sto. Domingo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng makasama ni Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla kung dito rin ikukulong ang tatlong senador na kinasuhan ng plunder at graft dahil sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni PNP-Public Information Office Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na kabilang ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna sa ikinokonsiderang opsyon para pagkulungan nina Enrile, Estrada at Revilla.

Una nang sinabi ni Sindac na inihahanda na ang PNP Custodial Center na pinapinturahan at nirenovate na posibleng paglagyan sa tatlong pork solons. May sukat itong 18 square meters at may sariling banyo at kama pero walang aircon.

Inamin naman ni Sindac na hindi pangmatagalan ang pagkukulong sa mga high profile detainees sa PNP Custodial Center.

Kapag dumagsa ang mga raliyista na mga supporters ng tatlo sa Camp Crame ay ire­rekomendang ilipat ng kulungan ang mga ito.

Kaya titingnan pa ng PNP ang magiging mga kaganapan sa kaso bago nila irekomenda sa Sto. Domingo ipiit ang tatlong senador.

Magugunita na sa Fort Sto. Domingo rin nakulong si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada  na naharap sa kasong plunder noong 2001 gayundin si dating ARMM Governor Nur Misuari na kinasuhan naman ng rebelyon sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

 

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

DOMINGO

FORT STO

GOVERNOR NUR MISUARI

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with