GSIS nagbigay ng extension sa Yolanda victims
MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Government Service Insurance System (GSIS) ang “grace period†o ekstensyon ng panÂsamanÂtalang hindi pagbabayad sa kanilang mga amortisasyon hanggang Nobyembre ngayong taon sa mga miyembro nilang biktima ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni GSIS President Robert Vergara na umaasa siya na habang hindi muna nagbabayad ng amortisasyon sa kanilang mga utang sa “Home Emergency Loan Program (HELP)â€, tututok ang mga miyembro nila sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng kanilang mga nasirang tahanan upang makabalik sa normal nilang buhay.
Una nang naka-iskedyul na magbayad ng kanilang amortisasyon ngayong Hulyo ang mga umutang sa pamamagitan ng HELP. Ngunit nakarating sa GSIS na marami sa mga umutang ay hindi pa ganap na nakakabawi buhat sa trahedyang tumama sa kanila ng bagyong Yolanda. Dito nagdesisyon ang GSIS na palawigin pa ang “grace period†para sa kanila.
Una na ring nagbigay ng ekstensyon sa pagbabayad ng iba pang uri ng loans sa kanilang mga miyembro at pensioners ang GSIS hanggang Oktubre 2014 sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.
Binuksan ng GSIS ang HELP window nitong Enero para tumulong sa pagbangon ng mga biktima ng Yolanda. Ang mga miyembro na nasa pamahalaan ng 10 taon ay maaaring makautang ng hanggang P200,000 at ang mababa sa 10 taon ay maaaring umutang ng P100,000.
- Latest