Libong salamin ipinamahagi ni Joy B
MANILA, Philippines - Libu-libong mga salamin sa mata ang naipamahagi kahapon ni QC acting Mayor Joy Belmonte na bahagi ng eye care progÂram ng tanggapan sa ilalim ng Joy of Public Service na isinagawa sa QC hall lobby.
Kahapon, mga bata at matatandang residente ng QC mula sa iba’t ibang mga distrito ang personal na tumanggap ng eyeglasses mula kay Belmonte.
Hiniling naman ni Belmonte na pangalagaan ang kalusugan ng mga benepisyaryo ng proyekto lalu na ang kanilang mga mata.
“Tuloy tuloy itong progÂrama nating ito...dalawang taon na ito ngayon at patuloy nating ipatutupad para mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan,†pahayag ni Belmonte.
Tuwing Lunes hanggang Miyerkules ay bukas ang tanggapan para naman sa mga elderly na may kapansanan sa mata tulad ng katarata at iba pa. Tuwing Huwebes naman ang konsultasyon ng mga taga QC na nais sumailalim sa proyekto at tuloy mabigyan ng salamin sa mata.
Una nang namahagi ng libong mga salamin si Belmonte sa mga mag-aaral sa QC matapos isa isahing puntahan ang mga paaralan sa lunsod at alamin ang mga mag-aaral na kailangan ang eyeglasses.
Bibisitahin ulit ni Belmonte ang mga paaralan ngayong pasukan para matiyak na may nangaÂngailangan pa ng eyeglasses na mga mag-aÂaral.
- Latest