^

Bansa

Soliman lusot na sa committee level ng CA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalusot na kahapon sa committee level ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa kabila ng banta ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na haharangin niya ang kumpirmasyon nito.

Inaprubahan ng CA committee on labor, employment and social welfare ang nominasyon ni Soliman at inirekomenda para sa plenary vote sa Hunyo 11 o sa huling araw ng sesyon.

Dahil dito, mahihirapan na si Santiago na maharang pa ang kumpirmasyon ni Soliman.

Nauna ng nagbanta si Santiago na gagamitin ang Section 20 ng CA Rules pero hindi naman nakarating sa hearing ang senadora.

Sa ilalim ng Section 20 ay hindi na idinadaan sa debate ang kumpirmasyon ng isang nominado.

Kinukwestiyon ni Santiago ang pagpapalipat-lipat ng suporta ni Soliman na nagsilbing DSWD secretary ni dating Pangulong Gloria Arroyo pero kabilang sa mga tumuligsa sa dating pangulo at nakabalik sa Gabinete ni Pangulong Aquino. Tinawag ni Santiago na “overstaying” na sa DSWD si Soliman.

DAHIL

GABINETE

HUNYO

INAPRUBAHAN

KINUKWESTIYON

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA ARROYO

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with