DepEd pinagpapaliwanag sa kapos na classrooms
MANILA, Philippines - Dahilan sa kakulangan ng mga classrooms sa buong bansa lalo na sa mga lugar na sinalanta ng supertyphoon Yolanda, kaya pinagpapaliwanag ng oposisyon sa Kamara si Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro.
Sa pahayag ng Independent Minority bloc sa pangunguna ni Ferdinand Martin Romualdez, si Pangulong Aquino pa at Luistro ang nagyabang na walang classroom shortages ngayong school year.
Idinagdag pa nito na lumampas pa ang national government sa target classroom na 66,800 pero ang inanunsiyo ng PaÂngulo ay nakapagpatayo na sila ng 66,813 classrooms sa buong bansa.
Subalit sa Leyte lamang umano ay libo-libong elementary at high school students ang nagka-klase sa loob ng mga tents at mga gawa-gawa lamang na silid aralan.
Dito sa Metro Manila ay dagsa umano ang reklamo dahil sa kakulaÂngan ng mga silid aralan kaya may mga ulat na maging ang mga palikuran ay ginagamit na rin classroom para lamang ma-accomodate ang mga estudyante sa unang araw ng pagsisimula ng pasukan noong Lunes.
Giit naman ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza, dapat na magbigay ng detalyadong summary si Luistro kung saan eksaktong ipinapatayo ang umano’y mga classrooms at kung sino ang mga benepisÂyaryo nito.
Ayon pa kay Atienza, dapat din umanong magkaroon ng agarang audit ng isang pribadong sektor kung saan napunta ang pondo para sa rehabilitasyon, repair o konstruksyon sa mga nasirang classrooms ng bagyong Yolanda.
- Latest