Albay, kumilos agad para maiwasan ang krisis sa kuryente
LEGAZPI CITY, Philippines – MuÂling hiniling ni Albay Gov. Joey Salceda ang suporta ng mga national power industry players para maiwasan ang kriÂsis sa kuryente rito maÂtapos malagutan ng hininga ang 33-taong 20-MVA transformer sa Bitano substation ng Albay PoÂwer Energy Corporation (APEC) dito nitong nakaraang linggo.
Kaagad nakipag-ugÂnayan si Salceda upang makabili ng dalaÂwang baÂgong 10-MVA transforÂmers para maiwasan ang krisis.
Ang APEC ay ang dating Albay Electric CoÂoperative (ALECO) na kinuha ng San MiÂguel Power Corporation noong nakaraang taon para maÂwakasan na ang lalong tumatambak na pagkakaÂutang, mismanagement at pagÂkalugi.
Naka-instila na ngaÂyon ang unang yunit sa Bitano substation na duÂmating noong Lunes. Inaasahang may kurÂyente na sa gabi ng Martes. Inaasahang Martes darating ang ikalawang yunit para maibalik agad ang normal na supply ng kuryente
Pansamantalang nagtalaga ng rotational brownout ang APEC para tiyaÂking lahat ay hindi maapi sa suplay ng kuryenteng meron. Pinasalamatan din ni Salceda ang APEC dahil sa mabilisang pagkilos nito.
Pinuna ni Salceda ang paulit-ulit na bugso ng demand sa kuryente dulot ng lumalagong ekoÂnomiya ng lalawigan at patuloy na pagdagsa ng mga turista.
- Latest