1st day ng klase peaceful DepEd, dinagsa ng reklamo
MANILA, Philippines - Generally peaceful at naging maayos ang 1st day ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa kahapon.
Inihayag ni DepartÂment of Education (DepEd) Asec. Jesus Mateo, wala silang natanggap na un-toward incident na may kaugnay sa pagbubukas ng klase sa buong bansa maliban lamang sa pagdagsa ng mga reklamo na kanilang natanggap.
Sinabi ni Mateo, pinaÂkamaraming reklamong natanggap ng DepEd Command Center sa Pasig ay mula sa National Capital Region (NCR) na pumalo na sa 188 na kaso hanggang alas-1:00 ng hapon pa laÂmang.
Karamihan sa mga problemang natanggap ay ang isyu sa pag-transfer ng mga estudÂyante mula pribadong paaralan patungong pampubliko.
Ilan sa naging problema ay ang pagkaÂbigong makakuha ng Form 137 o patunay ng completion ang mga magulang ng mga bata mula sa private schools dahil may bayarin pa ito.
Inaksyunan naman agad ng DepEd ang problema at hinimok ang mga pribadong paaralan na bigyan na lamang pansamantala ng xerox copy ng dokumento ang mga transferee para makapasok na ang bata.
Nakatatanggap rin ng reklamo ukol sa compulsory contribution sa mga paaralan tulad ng PTA fee, Boy Scout membership at iba pa. Tinatawagan naman ng DepEd ang school superintendent para imbesÂtigahan ang reklamo at tiyakin ang paglalatag ng “no collection†policy.
May katanungang din natanggap ang DepEd hinggil sa 3-day school week, na pinag-aaralan pa at hindi pa naman ipaÂtutupad ngayong taon.
Bukas ang Command Center ng DepEd mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi na tatagal hanggang Hunyo 6.
Tiniyak din ng DepEd na bukas ang kanilang Oplan Balik Eskuwela information centers sa mga rehiyon sa bansa.
Samantala, personal na dinalaw ni Education Secretary Armin Luistro ang mga paaralan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa unang araw ng pasukan.
Kasama ni Luistro ang mga senior DepEd officials sa pagtungo sa ARMM upang insÂpeksyunin ang mga paaralan doon at alamin ang mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral.
Binisita rin ng iba pang DepEd officials ang mga klase sa Eastern Visayas, na sinalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon, gayundin ang Northern Luzon at mga “critical areas†sa Metro Manila.
Sinabi ni Luistro na pinili niyang obserbahan ang pagbubukas ng klase sa ARMM upang ipakita ang pakikipagkaisa sa mga Pilipinong Muslim.
- Latest