^

Bansa

Pagyo-yosi sa loob ng bahay iwasan -WHO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan at pina­alalahanan ng World Health  Organization (WHO) ang publiko na iwasan na manigarilyo sa loob ng bahay at sa halip ay sa labas na lamang manigarilyo.

Ayon kay Dr. Julie Lyn Hall, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, dahil sa paninigarilyo sa loob ng bahay ay nalalantad ang mga miyembro ng pamilya sa mapanganib na epekto ng pagsisigarilyo.

Payo pa ng WHO sa mga miyembro ng pamilya na pahintuin ang kanilang mga kasama sa bahay o kapamilya sa naninigarilyo subalit kung hindi makatiis ay palabasin ng bahay kung maninigarilyo upang maligtas ang mga non-smoker sa masamang dulot ng yosi.

Kung delikado ang  kalusugan ng isang smo­ker, higit na nalalantad sa panganib ang kalusugan ng second-hand smoker o yaong mga taong nakalalanghap ng usok mula sa mga nagyoyosi. 

Nalaman sa WHO na may mga kaso na ng non-smokers na nagkakaroon ng sakit sa baga, sa puso, impeksiyon sa lalamunan, pneumonia at iba pang karamdaman na nag-ugat sa paninigarilyo matapos na malantad sa second-hand smoke.

Madalas din aniya ang mga sakit dahil sa second-hand smoke sa mga kabataan kung saan lantad sila sa mga kasambahay na naninigarilyo.

Batay sa istatistika ng WHO, ang tobacco epidemic ang isa sa pri­merong international public health threat dahil halos 6 na milyon katao ang namamatay bawat taon dahil sa epekto ng siga­rilyo habang mahigit na 600,000 ang namamatay sa second-hand smoke.

 

AYON

BATAY

DR. JULIE LYN HALL

MADALAS

NALAMAN

PAYO

WORLD HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with