^

Bansa

PANOORIN: Lino Cayetano, tinawag na 'treasure' si Claire Castro

Philstar.com

MANILA, Philippines — Isang “treasure” ng gobyerno ang turing ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano kay Palace Press Officer Claire Castro, na ipinagtanggol niya sa tanong tungkol sa palaban nitong estilo.

“Wala pa akong nakitang kayang magpaliwanag nang ganito kahusay tungkol sa ginagawa ng gobyernong ito,” ani Cayetano sa Ingles ngayong Biyernes, Oktubre 23.

Sinabi rin niyang nasasabik siyang ipagpatuloy ang pakikipagtulungan kay Castro.

Nang tanungin tungkol sa “combative” o palaban na estilo ng opisyal, sinabi ni Cayetano na wala siyang nakikitang masama rito. Ang mahalaga, aniya, ay maiparating ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa at polisiya ng pamahalaan.

“Iyan ang kalakasan ni Usec. Claire, at iyan ang personalidad niya,” aniya sa Ingles.

Binanggit din ni Cayetano ang isang inobasyong tinawag niyang “analog office,” kung saan maaaring magkaroon ng malaking papel si Castro.

“Sa tingin ko, kailangan ding tumutok ng PCO sa pagbaba sa mga mamamayan… Mahalaga rin na nakakaharap natin ’yung mga kababayan natin,” aniya. — Geraldine Santos; Karagdagang ulat mula kay Cristina Chi

CLAIRE CASTRO

MALACANANG

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with