High reso CCTVs mas epektibo vs krimen
MANILA, Philippines - Mas mabilis na makikila ang mga kriminal kung mahuhuli ang mga ito gamit ang mga CCTV na may ‘high resolution’. Dahil dito, nakatakdang maghain si Quezon City councilor Karl Castelo ng resolusyon sa konseho upang pataasin ang resolusyon ng mga CCTV na ginagamit ng mga barangay sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Castelo na malaki ang maitutulong ng mga CCTV na may high resolution para agarang makilala at madakip ng kapulisan ang mga criminal.
Sa panukala ni Castelo, magtatalaga ang local government ng minimum requirement para sa video resolution ng mga CCTV na ikinakabit ng mga barangay sa mga kalsada upang lalung makita ang nahuhuli sa kamera. Saludo naman ang batang konsehal sa mga barangay lider dahil sa malaking kontribusyon ng mga ito sa kampanya laban sa kriminalidad.
Ginawa ni Castelo ang pahayag matapos mahuli ng barangay CCTV ang pamamaril ng ilang kalalakihan sa Quezon City kamakailan kung saan lima ang namatay.
Bagamat nahuli sa CCTV ang mga sangkot sa krimen, hindi naman agad nakilala ang mga ito dahil malabo ang kuha ng kamera bunsod na rin ng mababang resolusyon ng video.
- Latest