^

Bansa

Mangingisda patay sa atake ng buwaya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matatalim na sagpang ng mala-pangil na ngipin ng buwaya ang kumitil sa buhay ng isang ma­ngingisda matapos itong atakehin ng mabangis na hayop sa isang ilog sa bayan ng Bataraza, Palawan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roel Jahani, 30-anyos, residente ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza ay natag­puang lumulutang ang bangkay sa ilog.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-11 ng gabi nang matagpuan ng kanilang kapitbahay ang biktima na may mga malalalim na sugat at pagkaputol ng ilang bahagi ng katawan na hinihinalang sanhi ng pag-atake ng buwaya.

Bagaman walang nakasaksi sa pangyayari, naniniwala ang mga residente na ang umatakeng buwaya ang nasa likod ng pagkamatay ng biktima.

Samantala, ilang residente rin umano ang nakakita sa paglutang ng malaking buwaya sa malalim na bahagi ng ilog kaya iniiwasan nilang maglangoy dito sa takot na sagpangin.

Sa tala, marami na ring mga inosenteng sibilyan ang kinain at nilapa ng buwaya sa ilang mga ilog ng Palawan.

vuukle comment

BAGAMAN

BATARAZA

BRGY

CAMP CRAME

KINILALA

MATATALIM

PALAWAN

RIO TUBA

ROEL JAHANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with