^

Bansa

NBI ihanda ang hard drive ni Luy — De Lima

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinapahanda ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng hard drive ni Benhur Luy, panguna­hing whistleblower sa pork barrel scam.

Nagpalabas ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee sa DOJ at NBI para sa pagsusumite ng kopya ng digital files ni Luy.

Nauna rito ay lumiham si Atty. Raji Mendoza, abugado ni Luy, sa Senado at ipinaalam na ang orihinal na hard drive ni Luy ay nasa kustodiya ng NBI Cybercrime Division kung saan sumailalim ito sa forensic examination para mapreserba ang integridad ng laman nitong digital record.

Ayon kay de Lima, kailangan nilang tumugon sa subpoena ng Senado.

Samantala, nananatili pa rin umanong bukas ang DOJ na kumonsulta sa Ombudsman para hingin ang pananaw nito kaugnay sa subpoena ng Senado.

Isa aniya ang hard drive ni Luy sa pinagbabatayan ng NBI at ng Field Investigation Office ng Tanggapan ng Ombudsman sa fact finding investigation nito hinggil sa PDAF Scam.

Samantala, tiyak nang hihirit si de Lima ng panibagong extension para sa pagsusumite ng extended affidavit ni Janet Lim Napoles matapos ipaalam sa kanya ng abugado nito na hindi nila kakayanin na maisumite ang salaysay ngayong araw na ito.

Hanggang Lunes umano ang hihinging palugit ng DOJ sa Senado para sa kumpletong affidavit ni Napoles na pinagbigyan naman ni Sen. TG Guingona.

 

BENHUR LUY

CYBERCRIME DIVISION

FIELD INVESTIGATION OFFICE

HANGGANG LUNES

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

LUY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAJI MENDOZA

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with