PNR nalulugi dahil sa hindi nagbabayad na mga pasahero
MANILA, Philippines - Nalulugi ng milyones kada buwan ang Philippine National Railways dahil sa mga pasahero na hindi nagbabayad ng pamasahe.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni PNR General Manager Allan Dilay na 30,000 pasahero ang hindi nagbabayad o kaya naman ay hindi nagbabayad ng eksaktong pamasahe kada buwan.
Gayundin iyong mga sumasakay ng walang biniling tiket o kaya naman ay bumili ng ticket para sa minimum na pamasaheng P10 subalit ang baba naman ay sa dulo ng biyahe ng tren.
Kaya upang malutas umano ang nasabing problema ay balak ng gawing moderno ang ticketing system ng PNR.
Aminado si Dilay na hanggang ngayon ay mano-mano ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng radyo o cellphone kung paparating na ang tren sa isang istasyon kaya plano rin nito na maglagay ng accident avoidance censor system.
Sa kabuuan, mangaÂngailangan ang PNR ng P270 Bilyon para i-upgrade ang linya nito mula Malolos, Bulacan hanggang Calamba, Laguna at idadaan sa Public Private Partnership ang bahagi ng mga proyekto para hindi maging mabigat sa gobyerno.
- Latest