Sa gusot sa China Pinas ‘wag umasa sa US
MANILA, Philippines - Hiniling ni dating Sen. Egardo Angara sa gobyerno na huwag masyadong umasa sa tulong ng Estados Unidos lalo na sa territorial dispute na kinakaharap ng bansa at ng China.
Ayon kay Angara, malaki na ang ginagampanang papel ng US sa pandaigdigang seguridad kaya ang dapat na gawin ng bansa ay humanap ng ilang kaalyado.
Kumbinsido rin si Angara na nasa wastong landas ang ginagawa ni Pangulong Aquino sa pakikipagtungo nito sa China. Aniya, sa ngayon ay nagawa na natin ang legal na posisyon sa pagdulog natin sa United Nations (UN) at nakakuha din ng suporta sa ibang bansa.
Dapat makipagkasundo rin ang Pilipinas sa ibang bansa na may sigalot din sa China sa usapin ng teritoryo at ng sa ganoon ay maiwasan ang pagdanak ng dugo. Aniya sa ngayon, ayaw ng China ng multilaÂteral agreement sa Pilipinas at ang nais nito ay bilateral.
“We may have the moral support of the world, pero hindi naman dapat umaasa, kailangan ding kumilos tayo,†paliwanag ni Angara.
- Latest






















