^

Bansa

Teachers ’wag isangkalan sa tuition hike – ACT

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng Alliance of Concerned Teachers ang paggamit sa usapin ng umento sa sahod ng mga guro bilang sangkalan sa pagkakaapruba kamakailan sa pagtaas ng matrikula sa mga eskuwelahan para sa school year 2014-2015.

Sinabi ng ACT na hindi makatarungan at sobra nang pahirap sa mga magulang ang desisyon ng Department of Education na aprubahan ang pagtaas ng matrikula sa 172 private elementary at high school sa Metro Manila at sa 11 pang eskuwelahan sa Visayas.

Nakabimbin din sa Commission on Higher Education ang aplikasyon para sa dagdag na matrikula ng 353 Private Higher Educational Institutions (PHEIs).

Sinabi pa ng ACT na mas doble ang hirap para sa mga mamamayan sa Eastern Visayas na hindi pa lubhang nakakabangon sa pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda sa rehiyon noong nakaraang taon.

Sinabi ni ACT Secretary General France Castro na  naiinsulto sila sa paggamit ng DepEd sa pagdadagdag sa suweldo ng mga titser bilang pangunahing dahilan sa pagtaas ng matrikula.

“Sa katotohanan, maliit lang ang itinataas ng sahod ng mga private school teachers sa bansa kumpara sa dagdag na tubo sa mga may-ari ng mga eskuwelahan. Gumawa na ba sila ng audit at verification sa financial report ng mga eskuwelahan?” tanong ni Castro.

Idinagdag niya na tulong at hindi dagdag na pasanin ang kailangan ng mga mamamayan ng Eastern Visayas.

“Hirap na hirap na nga kami sa paghahanap ng makakain, magtataas pa ng matrikula. Walang awa ang pamahalaang ito!” puna ni Dr. Efleda Bautista, ACT Regional Coordinator sa Eastern Visayas. 

 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. EFLEDA BAUTISTA

EASTERN VISAYAS

HIGHER EDUCATION

METRO MANILA

PRIVATE HIGHER EDUCATIONAL INSTITUTIONS

REGIONAL COORDINATOR

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with