^

Bansa

30K farmers makikinabang sa Balog-Balog Irrigation Project

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 30,000 magsasaka ang direktang maki­kinabang kapag nasimulan na ang konstruksiyon ng Balog-Balog Irrigation Multipurpose Project sa Tarlac.

Sa panayam ng PSN kay National Irrigation Admi­nistration (NIA) administrator Claro Maranan, sinabi nito na inihintay na lamang nila ang pag-apruba ng National Economic Development Administration (NEDA) Board para mapasimulan ang proyekto.

Ayon kay Maranan, aprubado at nagbigay na ng rekomendasyon ang Cabinet Committee (Cabcom) para maitayo ang P15.8 bilyong proyekto na matagal ng isinusulong ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ani Maranan, sa oras na magbigay ng aprubal at kumpirmasyon ang NEDA Board ay magpapatawag sila ng bidding sa mga contractor na gagawa ng nasabing proyekto.

Sa ilalim ng proyekto, lalagyan ng irigasyon ang may kabuuang 34,410 hektaryang lupain sa Tarlac City at walong bayan ang direktang makikinabang na kinabibilangan ng La Paz, Gerona, Pura, Ramos, Capas, Paniqui, Bamban at Concepcion bukod pa ang mga kalapit na bayan sa Pampanga.

ANI MARANAN

BALOG-BALOG IRRIGATION MULTIPURPOSE PROJECT

CABINET COMMITTEE

CLARO MARANAN

LA PAZ

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT ADMINISTRATION

NATIONAL IRRIGATION ADMI

PANGULONG BENIGNO

TARLAC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with