^

Bansa

Forensic test sa PCOS hirit sa Comelec

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng isang anti-graft group sa Commission on Elections na dapat magkusang isailalim sa forensic test ang Precinct-Count Optical Scanners (PCOS) at Compact Flash (CF) cards sa Korte Suprema bilang sagot sa kumukuwestyon sa resulta ng 2013 senatorial results.

Sinabi ni Jonas Sinel, spokesman ng Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP), ito ang pagkakataon sa Comelec para patunayan na wala silang pinaborang kandidato noong 2013 elections.

Sa desisyon ng SC, pinagpapaliwanag nito sa loob ng 10 araw ang Comelec kaugnay sa petition for certiorari ng mga natalong senatorial candidates na sina Hans Christian Seneres, Rizalito David, Baldomero Falcone at Ricardo Pecson na balewalain ang proklamasyon ng nana­long 12 senatorial candidates noong 2013 dahil sa pinaniniwalaang flaws sa resulta ng canvassing.

Inakusahan ng mga petitioners ang Comelec sa Korte Suprema na umabuso ang mga ito sa kanilang kapangyarihan ng iproklama ang winning senators sa kabila ng pagkabigong tumupad ito sa Authentication of Electronically Transmitted Election Results na nakasaad sa batas.

 

AUTHENTICATION OF ELECTRONICALLY TRANSMITTED ELECTION RESULTS

BALDOMERO FALCONE

COMELEC

COMPACT FLASH

HANS CHRISTIAN SENERES

JONAS SINEL

KORTE SUPREMA

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

PRECINCT-COUNT OPTICAL SCANNERS

RICARDO PECSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with