13 pang senador dawit sa pork
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Rehabilitation Czar Sec. Panfilo Lacson na bukod sa 3 senador ay mayroong 13 senador pa ang nasa affidavit ni Janet Lim-Napoles na nakinabang din sa pork barrel scam.
Ayon kay Sec. Lacson, nakapaloob anya sa ibinigay sa kanyang unsigned affidavit ni Napoles na hindi lamang pang-quorum kundi pang-ratify ng treaty o 2/3 ng mga senador ang nasa listahang nakinabang sa PDAF scam.
Naunang ibinunyag ni Lacson na 13 incumbent senators ang nagkaroon ng transaksyon kay Napoles kaugnay sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Nagbanta rin si Lacson na ilalantad niya ang hawak niyang affidavit ni Napoles sakaling ‘linisin’ ni Justice Sec. Leila de Lima ang hawak nitong listahan.
Itinanggi naman ni Lacson na nagmula sa kanya ang listahan na hawak ni Sandra Cam, pangulo ng Whistleblowers Association.
Sinabi ni Lacson na hindi niya alam kung saan nakuha ni Cam ang kanyang listahan at kung ano ang motibo niya dahil hindi sila nagkakausap nito.
Si Cam ang testigo sa jueteng gate scandal sa ilalim ng Arroyo administration.
- Latest

























