^

Bansa

MRT-LRT ticketing system Abaya et al, kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ng National Federation of Filipino Consumers (NFFC) si DOTC  Secretary Jun Abaya at iba pang opisyal ng naturang ahensiya kaugnay ng P1.7-bilyong contactless automatic fare collection system o bagong ticke­ting system ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Kasama ni Abaya sa mga kinasuhan sina DOTC Undersecretary Jose Lotilla, Undersecretary  Rene Limcaoco, at Usec. Catherine Gonzales na bahagi ng Bids and Awards Committee para sa nasabing proyekto.

Ayon kay  Atty. Oliver San Antonio, legal counsel ng NFFC,  kumbinsido silang nagkaroon ng anomalya sa pagkapanalo at pag-award ng ahensiya  sa AF Consortium sa naturang proyekto dahil may nagawa umano silang mga paglabag hinggil sa mga batas at patakaran sa pagsasagawa ng bidding sa naturang proyekto.

Binigyang diin ni  San Antonio na hindi dapat nai-award sa AF Consotium ang naturang proyekto dahil may naka-pending case ito sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni San Antonio na may nakabinbing kaso ang DOTC laban sa isa sa mga affiliate ng winning bidder.

 

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CATHERINE GONZALES

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL FEDERATION OF FILIPINO CONSUMERS

OLIVER SAN ANTONIO

RENE LIMCAOCO

SAN ANTONIO

SECRETARY JUN ABAYA

UNDERSECRETARY JOSE LOTILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with