Deniece Cornejo sumuko!
MANILA, Philippines – Matapos ang ilang araw na pagtatago, sumuko na ang modelong si Deniece Cornejo ngayong Lunes upang harapin ang kasong serious illegal detention na isinampa ni TV host Vhong Navarro.
Ayon sa mga ulat, nasa kustodiya ng Philippine National Police sa Camp Crame si Cornejo.
Isa si Cornejo sa limang akusado sa pambubugbog kay Navarro noong Enero sa loob ng Forbeswood Heights Condominium.
Kaugnay na balita: Pagtugis kay Deniece Cornejo, 3 kasamahan tuloy pa rin
Nauna nang nadakip ang negosyanteng si Cedric Lee at Simeon Palma alyas Zimmer Raz sa Eastern Samar nitong Abril 27.
Sa ngayon ay tinutugis pa rin ng mga awtoridad sina Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.
Walang piyansa ang serious illegal detention na kaso.
Kaugnay na balita: Cedric Lee arestado!
Bukod sa naturang kaso ay sinampahan din ni Navarro ng grave coercion ang grupo nina Cornejo at Lee.
- Latest


















