Tubig sa Angat pababa
MANILA, Philippines - Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam sa Bulacan na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya.
Base sa monitoring ng Pagasa, alas-6 ng umaga nasa 182.61 meters above sea level halos malapit na ito sa 180 meters na critical level ng dam.
Ayon sa Pagasa, baÂgama’t nagkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan sa ilang bayan na nasa paligid ng dam pero hindi naman anya ito nakakatulong dahil hindi umaabot dito.
Dahil dito posibleng umabot na sa critical eleÂvation ang dam sa ikalawang linggo ng Mayo.
Dagdag ng Pagasa, sa sandaling magpatuloy ang ganitong pagbaba ay maaring mabawasan din ang suplay ng tubig sa mga irigasyon sa mga palayan.
Samantala, ayon sa ulat, inilunsad na ng kagawaran ang El Niño Watch kasunod ng banta ng tagtuyot sa bansa.
Ayon kay senior weaÂther specialist Analiza Solis, nakamasid na ang kanilang tauhan sa posibleng El Niño sa huÂling quarter ng 2014 sa pamamagitan ng climate models.
Base sa kasalukuyang kondisyon ng Equatorial Pacific, patuloy ang pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat.
- Latest



















