^

Bansa

AFP report kay Cudia isinumite na kay PNoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang buwan, isinumite na kay Pangulong Aquino ng Armed Forces of the Philip­pines (AFP) ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa kaso ng pinatalsik na si Cadet Aldrin Jeff Cudia. 

Sinabi ni AFP Public Affairs Office spokesman Lt. Col. Ramon Zagala na hinihintay na lamang nila ang magiging tugon o desisyon ni PNoy hinggil sa resulta ng imbestigasyon.

Una nang ipinag-utos ni PNoy sa AFP ang pagbuo ng Special Investigating Board (SIB) para rebisahin ang kontrobersyal na kaso ni Cudia na naakusahang lumabag sa Honor Code ng Philippine Military Aca­demy (PMA) at nabigong magmartsa sa graduation noong Marso 16, 2014.

Si Cudia ay dapat nagtapos na Salutatorian sa PMA Siklab Diwa Class 2014 kung hindi ito naakusahan ng paglabag sa Honor Code na dahilan para itakwil siya sa PMA at idismis.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIP

CADET ALDRIN JEFF CUDIA

HONOR CODE

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE MILITARY ACA

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

RAMON ZAGALA

SI CUDIA

SIKLAB DIWA CLASS

SPECIAL INVESTIGATING BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with