US troops na rumesponde sa Yolanda pinuri ni Obama
MANILA, Philippines - Pinapurihan kahapon ni US Pres. Barack Obama ang US troops na unang nagresponde sa relief and humanitarian missions sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, Leyte at Samar.
Maging ang mga beterano ng World War II ay nakatanggap rin ng papuri mula kay Obama.
Sa kaniyang talumpati sa Army Gym and Wellness Center sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Obama na kabilang ang matitinding kalamidad tulad ng bagyong Yolanda sa mga hamon na dapat paghandaan ng magkaalyadong bansa dulot ng pagbabago ng panahon.
Ang US troops ang nanguna sa multi-national contingent na sumaklolo at nagresponde sa mga biktima ng super bagyo na nagbuhos ng mas maraming tropa, eroplano at mga barko para maihatid ang mga relief goods sa mga nagugutom na evacuees.
Bukod sa US troops, kinilala rin ni Obama ang sakripisyo ng mga beteÂrano ng digmaan noong World War II.
Binisita rin ng US President ang American cemeÂtery sa Fort Bonifacio na pinaglibingan sa mga sundalong Pinoy at Kano noong WW II.
- Latest