^

Bansa

Manhunt vs 2 ex-PCSO officials

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang susunod nang babagsak sa batas  sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte at da­ting board member Ma. Fatima Valdes na pawang wanted sa P366 milyong plunder case sa pondo ng ahensya.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong, pinalakas pa ng kanilang tracking team ang pagtugis kina Uriarte at Valdes.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto kay dating Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar ng PNP-CIDG nitong Huwebes.

Sina Villar ay wanted sa kasong plunder na naisampa sa Sandiganbayan kasama si dating Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng umano’y paglustay ng P366 M pondo ng PCSO.

Walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Kabilang pa sa mga kinasuhan sina Sergio Valencia, dating PCSO chairman of the board; Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, dating mga PCSO board; Benigno Aguas, dating PCSO budget officer; at Nilda Plaras, dating COA officer. Si Taruc V ay sumurender na sa PNP-CIDG nitong Marso.

BENIGNO AGUAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

DATING

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

FATIMA VALDES

GENERAL MANAGER ROSARIO URIARTE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

JOSE TARUC V

MANUEL MORATO

NILDA PLARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with