^

Bansa

Sandiganbayan: Corona, Chavit bawal lumabas ng bansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas ng hold departure order (HDO) ang Third Division ng Sandiganbayan ngayong Biyernes para kina dating Chief Justice Renato C. Corona at dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, nag-ugat ang HDO laban kay Corona dahil sa kasong perjury dahil sa umano'y hindi paglalagay ng tamang impormasyon sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth at kabiguang pagbabayad ng tamang buwis.

Samantala, pipigilan ding umalis ng bansa si Singson dahil sa kanyang kasong malversation of public funds na umano'y ginawa niya noong 2001.

Pinagbabawalan ng korte ang sinumang binigyan ng HDO na makalabas ng bansa na dapat ipatupad ng Bureau of Imigration.

Inilalabas ang HDO upang matiyak ng korte na haharapin ng mga akusado ang mga kasong nakasampa laban sa kanila.

AYON

BIYERNES

BUREAU OF IMIGRATION

CHAVIT

CHIEF JUSTICE RENATO C

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

INILALABAS

PHILIPPINE NEWS AGENCY

SINGSON

STATEMENT OF ASSETS LIABILITIES AND NETWORTH

THIRD DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with