Karambola ng 3 sasakyan: 4 sugatan
MANILA, Philippines - Apat na pasahero ang sugatan matapos ang karambola ng dalawang bus at isang pribadong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 5, nakilala ang mga sugatan na sina Jollyan Ayudan, 28; Flora Gahuf, 37; Ma. Chrisdan Malubago, 21; at Cherry Joy Virgilio, 21; pawang mga nagtamo ng mga minor injuries sa kanilang katawan.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue sa harap ng Fairview General hospital, ganap na alas- 5:45 ng umaga.
Sabi sa ulat, tinatahak ng Taguig Metro Link bus (TYX-323) na minamaneho ni Jimmy Gastuman ang lugar nang tumbukin ang likurang bahagi ng kanyang bus ng dumarating na Fermina Express bus na minamaneho ni Joven Comon.
Sinasabing bigla na lang umanong huminto ang Metro Link bus makaraang sumulpot ang isang motorsiklo dahilan para mabundol siya ng Fermina. Dala ng impact, bahagyang nadamay din sa salpukan ang isang Isuzu Sportivo na bumibiyahe rin sa naturang lugar.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para alamin kung sino ang dapat kasuhan sa insidente.
- Latest