^

Bansa

OFWs pinag-iingat vs MERS-CoV

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment ang mga bagong Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga paparating sa bansa laban sa kumakalat na Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-CoV)

Ang babala ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ay kasunod ng ipinalabas na kautusan o advisory  Philippine Overseas Employment Administration, isang  attached agency sa ilalim ng DOLE.

Sinabi ng kalihim na bagaman walang paghihigpit  o deployment ban sa mga bansa sa Middle East mahalaga aniya sa bawat manggagawang Filipino, maging sila ay papunta pa lamang sa Middle East o papauwi na mag-ingat sa nasabing virus.

Sa pinalabas na advisory na linagdaan ni  POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, kailangang sundin ng mga newly-hired at mga papauwi o returning Overseas Filipino workers, at mga  on-site OFWs ang mga sumusunod para sa kanilang proteksiyon at kaligtasan.

Maghugas ng kamay at mga daliri o kaya ay maglagay ng alcohol bago o pagkatapos kumain, bago magluto at maghanda ng pagkain, pag-ubo, pagba­hing, paggamit ng toilet at bago o pagkatapos na humawak sa mga alagang hayop.

Magtabing ng bibig sa sandaling umuubo o nagbabahing, maaari aniyang gumamit ng tissue, saka itapon sa basurahan ang ginamit na tissue. Iwasang makipag-contact sa mga alagang hayop kabilang na rito ang camels.  Umiwas din umano sa mga taong may sakit o infected ng MERS-CoV. o kung may ubo o nararamdamang respiratory illness, makabubuti umanong manatili na lamang sa bahay, magsuot ng surgical mask upang mapangalagaan laban sa naturang sakit ang kanyang pamilya.

Kung health worker naman aniya, dapat sumunod sa infection control protocols sa kanyang trabaho.  Dapat din aniyang bumisita sa doctor, hospital o sa  health facili­ty kagad-agad sa sandalling may nakitang sintomas ng MERS-CoV gaya ng walang humpay na pag-ubo at iba pang sintomas.

Sa sandali naman aniya na nagkaroon na ng close contact sa pasyenteng kumpirmadong may MERS-CoV, dapat sumunod sa local health regulations at agad na kanselahin ang pagbiyahe sa ibang bansa hanggang sa mag-negatibo o gumaling na siya sa naturang karamdaman.

Panghuli, hinikayat ni Cacdac ang  publiko na huwag maniwala sa mga sabi-sabi hinggil sa MERS-CoV. Kailangan aniyang tiyakin na ang anumang makukuhang impormasyon ay galing sa mga awtoridad.

ADMINISTRATOR HANS LEO J

CACDAC

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONAVIRUS

OVERSEAS FILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with