^

Bansa

Luistro sa bagong DepEd officials: Maging mabuting pastol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Maging mabuti kayong pastol”. Ito ang tagubilin ni Education Secretary Armin Lusitro sa mga bagong opisyal ng kagawaran.

“Kung ano ang ating tinatanim, ‘yun din ang bunga. Marami kayong mga desisyon na gagawin bilang Assistant Superintendent at Superintendent.

At lahat ng mga desisyon na iyan ay desisyon para sa kagawaran at para sa mga kabataang pinagsisilbihan natin,” anang kalihim.

Ang mga bagong opisyal ng DepEd ay nanumpa sa kanilang tungkulin noong Martes (Abril 22).

Sa nasabing seremonya, pinaalalahanan rin ni Luistro ang mga opisyal hinggil sa mga hamon at pagsubok na maaaring makasira sa kanilang responsibilidad.

Paalala naman ni DepEd Undersecretary Rizalino Rivera na  kaakibat ng pagiging DepEd executive ang responsibilidad na hindi lamang pangalagaan ang kanilang mga personnel at mga mag-aaral, kundi maging ehemplo kung paano ang maging tunay na manggagawa.

Nangako naman ang 18 newly-appointed officials na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad at pagtibayin at protektahan ang Konstitusyon.

Kabilang sa mga naturang opisyal sina Fatima R. Boado, Zenia G. Mostoles, Lorna G. Bugayong, Joann A. Corpuz, Leilani S. Cunanan, Norma P. Esteban, Imelda P. Macaspac, Jose L. Doncillo, Loida N. Nidea, Sally B. Ullalim, Maria Magdalena M. Lim, William E. Gando and Crestito M. Morcilla from Luzon; Allan B. Yap, Dexter Y. Aguilar and Roseller N. Gelig from Visayas; and Mindanao officials, Omar A. Obas at Arsenio T. Cornites Jr.

AGUILAR AND ROSELLER N

ALLAN B

ARSENIO T

ASSISTANT SUPERINTENDENT

CORNITES JR.

DEXTER Y

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUSITRO

FATIMA R

GANDO AND CRESTITO M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with