Libreng almusal sa mag-aaral
MANILA, Philippines - Tinatrabaho na ng technical working group ang pinal na bersyon ng House bill 364 o ang Free Breakfast bill na inihain ni Cebu Rep. Raul del Mar.
Layunin ng panukala na solusyunan ang kakulaÂngan sa nutrisyon ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa lalo na sa mga lalawigan kung saan marami sa mga mag-aaral ay galing sa mahihirap na pamilya. Paliwanag ni del Mar, hirap ang mga estudyante na matuto kung kumakalam ang sikmura kaya dapat kumilos na ang gobyerno para tulungan ang mga ito sa pamamagitan ng libreng almusal.
Naniniwala rin ang mambabatas na hindi sapat ang dating programa ng Department of Education at DSWD kung saan binibigyan ng isang kilong bigas araw-araw ang estudyante na regular na pumapasok.
- Latest