^

Bansa

Panibagong LPA palapit sa Eastern Visayas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang maaliwalas na panahon nitong Mahal na Araw sa Eastern Visayas, muli na naman silang daraanan ng low pressure area, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes ng umaga.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sama ng panahon sa 901 kilometro silangan ng Guiuan  Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga.

Kung sakaling maging ganap na bagyo ang LPA ay pangangalanan itong “Ester”,  ang ikalimang bagyo sa bansa ngayong taon.

Magiging maulp ang kalangitan ng Eastern Visayas partikular sa Samar na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang asahan sa Metro Manila na may pag-ulan sa hapon o gabi.

Nitong nakaraang dalawang linggo ay may dumaan ding low pressure area bago naging si Bagyong Domeng ngunit humina rin.

Ang Eastern Samar ang binayo ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan higit anim na libo ang nasawi Nobyembre ng nakaraang taon.

ANG EASTERN SAMAR

ARAW

BAGYONG DOMENG

BAHAGYANG

EASTERN SAMAR

EASTERN VISAYAS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

GUIUAN

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with