Obispo sa mga rebelde: Ceasefire muna
MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang obispo ngayong Huwebes Santo sa mga rebeldeng grupo na huwag munang manggulo ngayong Semana Santa.
"Nanawagan po ako sa ating mga kaibigan, sa ating mga brothers sa mga Muslim na sana respetuhin nila ang Semana Santa na sana walang gulong mangyari...just as we respect the Ramadan, I hope also they will respect the Semana Santa because we are all brothers and sisters naman and kahit na we call our God in different names and we adore one God," panawagan ni Basilan Bishop Martin Jumoad.
"Sana po bigyan nila ng halaga naman ang panawagan na ito na igagalang natin ang Holy Week, Muslim man o Kristiyano," dagdag niya.
Bukod dito ay patuloy ang pagdarasal ng pari para sa kaligtasan ng publiko.
"Well, despite of everything okay naman. Meron pang mga encounter doon sa Tipo-tipo, so parang pero alert lang, ganito man ang buhay dito sa Basilan. Yung abnormalities parang normal lang dito. Okay po ang attendance, overflowing po, marami pong mga tao. Natutuwa ako pero at the same time. I told to the lord to protect us and give us peace and security," sabi pa ni Bishop Jumoad.
Nitong nakaraang linggo ay 12 ang patay sa engkwentro ng Abu Sayyaf at ng militar sa bayan ng Tipo-Tipo habang 20 ang sugatan.
Naniniwala pa ang obispo na kapayapaan ang hatid ng pagkakalagda ng Comprehensive Agreement on the Bansangmoro.
- Latest